A Travellerspoint blog

my bff, Abs

happy birthday

rain 12 °C

ava4.jpg

Through the years despite the distance that we have, you never fail to get in touch with me, either thru social networking or text messages. Kasi alam ko naniniwala ka (tulad ko) na communication is the best thing friends could ever have, to preserve and to save it from drying completely. Kaya naman, thankful ako because I have the best girl friend who I consider like a sister a man could ever ask for.

Ilang taon na nga ba tayong naging magkaibigan? January 2008 nang magkakilala sa isang training para maging effective call center agents. February nang taon ding iyon nang maging close tayo kasama ang ilang kasamahan natin. Mahigit apat na taon na rin pala tayong naging magkaibigan. Marami na rin tayong mga "emo" moments and even more happy moments na pinagsamahan na sa tuwing maiisip ko ang mga yaon mangigiti na lang ako. These are the moments na masarap balik-balikan hanggang sa ating pagtanda.

Kaya naman sa araw na eto, bukod sa aking pagbati ng maligayang kaarawan ay hayaan mong pasalamatan din kita sa friendship na bingay mo sa akin. Salamat sa pagmamahal aking kaibigan. Nawa'y patuloy ka pa Niyang pagpalain at ibigay ang lahat magagandang naisin ng iyong puso.

ava6.jpg
Para sa iyo eto:

ano man ang dumating sa buhay natin
bagyo man eto o simpleng tag-ulan
ikaw aking kaibigan ang laging nandiyan
gumagabay at handang makinig sa aking hinaing
ako man ay ganun, makaka-asa kang nandito ako para sa iyo
ipaglalaban kahit kanino, saan man at kailan man, kaya naman
lalo ko pang pakaka-ingatan ang pagkakaibigan natin magpakailan man.

Happy birthday to world's greatest bff, Abs. I miss you and I love you sis. =)

abs.jpg

Posted by addyict 00:45 Archived in Philippines Tagged friends Comments (0)

Nawa matapos na

rain 24 °C

Heto na naman ako, sa tuwing darating na lang ang ganitong petsa ay grabe ang depression ko. Pinipilit kong maging maayos, maging masaya pero nasa harap ko pa rin ang katotohanan na hirap pa rin ako sa sitwasyon ko ngayon.

Minsan mahirap din pala ang magpakita na malakas ka, na matapang ka, na okay lang ang lahat kasi minsan pag kailangan mo na nang tulong, nang masasandigan ay walang naniniwala sa iyo na kailangan mo. hayy, buhay nga naman. ='(

Pero alam ko maayos din naman ang lahat, sa tamang oras, sa tamang panahon and in His time. Sa ngayon, patuloy pa rin ako sa buhay ko, sa pagsusumikap, sa pakikipaglaban sa hamon nito. Umaasa ako na bago ko maipikit ko ang mga mata ko sa mundong ibabaw ay masasabi ko na nagtagumpay ako.

Praise_Him.jpg

Posted by addyict 05:24 Archived in Philippines Comments (0)

Maligayang kaarawan aking kaibigan

BJB

brian.jpg

Ilang taon na nga ba tayong naging mag-kaibigan? Nakakatuwa kasi kahit hindi pa tayo nagkikita ng personal ay naging tunay tayong magkaibigan. Nag-uusap tayo nang kung ano-anong mga bagay at nagsasabihan ng mga problema. Nagkaroon tayo ng hindi pagkaka-unawaan at dumating pa sa punto na nanahimik na lang tayo and moved on with our lives. Ilang taon din hindi tayo nag-usap? Isa, dalawa o tatlong taon ba? Matagal din ano?

Hanggang isang araw nag-message na lang ako sa isang social network. Nangumusta. Nag-alangan pa nga ako noon kasi baka hindi mo na kilala. Pero natuwa ako nang ma-reply ka at sinabi mong:

Hi addyict,so happy u added me back.been so long na gusto ko makausap ka.dba nagaway tayo dahil sa pinsan kung pinagselosan mo.actually -xxxxxxx din apelyedo niya. so happen this year ko lang din nalaman na xxxxx siya. pero saksi ang Dios at mawala sakin lahat kung di ako nagsasabi ng totoo, nasaktan ako dahil ininsulto mo ko dati. Hirap kaya nun kc naghahanap pako ng work that time. Tapus ayon parang pinapasadios ko na lang lahat.

Tsaka alam mo sa lahat ng natamo ko never kung kinalinmutan ikaw.
My time na napapaisip ako kamusta kana kaya? kasi malaki utang na loob ko sayo..sobra.hanggang hukay ko dadalhin yun.

From then on naka-685 exchange of messages na tayo. Trying to keep up doon sa mga na-missed nating nangyari with our lives. But you know what makes me happy the most? Ay yung nalaman ko na naging successful ka sa field na pinasok mo. At natutuwa ako na nakakatulong ka na rin sa inyo kahit papaano.

birthday012.gif

Congratulations nga pala on your promotion. One of the best birthday gift a person could ask for. Huwag kang mag-alala at kasunod nang promotion mo ay ang iyong wage increase. But first you need to prove them na deserving mo nga ang bago mong posisyon sa company ninyo. =)

This is your special day and I only wish nothing but the best for you. Huwag ka sanang magbago bilang isang anak, kapatid at kaibigan dahil napakabuti mo. Buhat sa aming lahat, salamat!

Maligayang kaarawan BJB.

bri.jpg

Posted by addyict 07:34 Archived in Philippines Comments (0)

I feel so down. ='(

sunny 44 °C

Maghapon na akong ganito. Pinipilit kong maging okay pero hindi ko magawa. Sinamahan pa ng aking working environment, kasamahan sa work na masyadong foul ang email. Among hindi maka-tao. grabeee!!!

Pinipilit kong magpakatatag pero minsan pag hindi cooperative ang nasa paligid mo o ang panahon, no matter how strong and positive you are as a person, hindi mo rin pala kakayanin especially kung mag-isa ka lang.

Dumating ako kanina sa puntong gusto ko nang mag-resign, but then again napaisip ako, tama ba ang aking gagawin? Napapanahon ba? Pero dahil alam ko naman ang sagot, heto wala akong magawa kundi ang magtiis. Magtiis sa aking amo na ubod ng inconsiderate, magtiis sa aking ilang kasamahan na akala mo porke puti ang balat ay maka-asta kung sino. Magtiis sa lungkot na nararamdaman hindi lang dahil sa malayo sa pamilya o mahal sa buhay kundi dahil na rin sa takot sa aking pag-iisa.

Tanong ko na lang sa sarili ko, hanggang kelan ko dadanasin ang pagtitiis na eto? May kahinatnan ba ang mga sakripisyo kong eto?

Alam ko nasa akin pa rin ang control, nasa akin ang pagpapasya. Kaya hindi ko hahayaan na mabalewala ang pagtitiis kong eto.

Tungkol sa nararamdaman kong eto? Ahh, lilipas din eto. Baka mamaya lang wala na eto.

solo.jpg

Posted by addyict 04:16 Archived in Saudi Arabia Comments (0)

Wildcats Team

Slayers

IMG_0026.jpg

Dear Wildcats team,

A game well played last night even though it was against all odds. Everything happen for a reason and I know for sure we have learned so many things this season’s basketball league.

It’s not whether you win or lose, it’s how you played the game. You have given 100% of your performance and I’m proud of you guys. For me you’re the number one team ever.

Cheers.

Addyict

IMG_0372.jpg

Posted by addyict 05:59 Archived in Saudi Arabia Comments (0)

(Entries 1 - 5 of 44) Page [1] 2 3 4 5 6 7 8 9 »