A Travellerspoint blog

Seventh Year

October 28

Pitong taon na rin pala ang nakalipas, pitong taon na rin hindi ko naririnig ang boses ng aking ama. Hanggang ngayon ang naiisip ko na nasa Riyadh lang siya working for our future. Yun nga lang pitong taon na rin siyang hindi nagbabakasyon.

Tandang-tanda ko pa yung huli naming pagkikita sa Riyadh. Nagmano lang ako sa kanya ni hindi ko man lang siya niyakap dahil dala na rin marahil sa aking personality. Kung alam ko lang na yun ang huling pagkikita namin ay niyakap at hinalikan ko ng buong puso ang aking ama. Bago pa ang pagkikita iyon ay sa Al Khobar, winter season noon, pabiro niya akong niyaya na magsu-swimming daw kami. Syempre dahil sa alam ko naman na nagbibiro lang siya ay hindi ako sumama. Nag-fishing lang siya kasama ang kanyang mga kaibigan. Again, kung alam ko lang na yun ang mga ala-alang dadalhin ko hanggang ngayon sana ay mas napaganda ko pa ang mga huli naming pagkikita.

Papa, alam kong nasa Maylikha ka na. Patuloy n'yo pa rin sana na gabayan kami at iparamdam sa amin ang iyong pagmamahal. Miss ka na po namin lalo na ni mommy at nang dalawa ninyong anak. Alam ko, hindi man nila sabihin sa akin. Higit sa lahat mahal na mahal ka po namin. Muli salamat sa lahat ng pagmamahal ni binigay ninyo sa amin.

Yes, seven years has passed and yet the pain is still here, it never leave us, we only got used to it.

father.jpg

Posted by addyict 06:58 Archived in Philippines

Email this entryFacebookStumbleUpon

Table of contents

Be the first to comment on this entry.

This blog requires you to be a logged in member of Travellerspoint to place comments.

Enter your Travellerspoint login details below

( What's this? )

If you aren't a member of Travellerspoint yet, you can join for free.

Join Travellerspoint