A Travellerspoint blog

Heaven By Your Side

(adapted from MJL vblog)

First, I would like to ask an apology to Mr. M.J. Lontoc for adapting his video blog entitled “Heaven by Your Side” without his consent. Otep can be described as the modern day Francisco Balagtas. Dedicates the video to AOR his one true love (or as he fondly called “Che-Che”), He narrates how they have started, from the time he met her, up to the moment that their friendship bloom into a “relationship” with ups and downs but never gives up. A typical teen-age love story and yet inspiring.

During our lolos (grandfather) era, they serenade our lolas (grandmother) through their guitars. From the guitar, they were able to express their selves the love they have for our lolas. The same thing for Otep, he uses the modern technology thru facebook and innovates the courtship. He even had back ground music in it.

Young it may seem but I only wish that their love last long. So fortunate with each other that they have found the love so true that everyone dreams about.

Here’s the transcription of his vblog. May you enjoy reading it as much as I enjoy watching his vblog.

MJL

MJL

Kumusta? Nga pala ako si Otep. Meron lang sana akong gustong i-kwento eh, tungkol sa nangyari sa buhay ko. Tungkol sa lovelife ko, tungkol sa babaeng nakilala ko at minahal ko nang lubos. Pangalan niya Anshirl, kung tawagin ko siya minsan Che-che. Pero alam mo simula nang makilala ko siya, madami nang nagbago, siya nag dahilan kung bakit ako nagbago. Siguro kung iisipin, sa dami-daming babaeng nakilala ko siya lang ang bukod tanging nakapagpabago sa akin. Tanggal ang bisyo ko, sigarilyo pati alak.

Nagsimula ang lahat nang makilala ko siya sa eskwelahan. Suplada pa nga niya noong una, tinatawag ko hindi ako pinapansin. Nang hindi nagtagal syempre siguro naawa pinansin na rin ako. Hanggang sa magka-text na kami, hanggang sa ayun alam mo na sinagot na niya ako. Una aaminin ko hindi ko siya minahal kaagad, pero alam mo paglipas nang panahon parang nare-realize ko na iba na ang nararamdaman ko kapag kasama ko na siya. Iba na yung mga nakikita ko (nada), pagka kausap ko na siya, iba na yung nararamdaman ko. Tapos pag hawak ko na yung kamay niya para bang may limpak, ewan ko kung bakit, hindi ka maniniwala ano? Pero ang totoo iba talaga ang nararamdaman ko kapag siya kasama ko. Hindi ko maipaliwanag (sa bu) sa buong buhay ko na ngayon lang nangyari. Siguro sabi nila kapag mahal mo ang isang tao ganyan ang nararamdaman mo.

Alam mo ba, pag kami ang magkasama ang daming nangyayari? Minsan may away pa nga, nakatambay kami sa park usap ng konti, bolahan, asaran, nagkakapikonan. Pero syempre sa bandang huli nagiging masaya, di tulad ng iba kapag mga ganun eksena di ba nag-aaway? Nagbi-break na? Kami hindi, pababaan na lang ng pride.

Simula nang mapasaakin siya, ang dami nang nagbago, lagi ko na siyang hinahanap sa tuwing wala siya, sa tuwing may ka-text siyang iba, nagseselos ako. Alam mo yun? nararamdam mo parang nalilito ka na, ewan ko kung bakit…yung gf ko ngayon yung medyo maarte pero masaya kasama, tapos masakit mangurot yan alam mo ba yun? Pag kinukurot nga ako niyan naku! ang hapdi, lalo na kapag nangagat, bumabaon, pero okay lang naman kasi siya ang may gawa.

Nagkikita lang kami kung saan-saan, hanggang sa nag-away kami, hindi na ako nakapagpigil dati ayaw niya kasi akong papuntahin sa kanila kasi nga baka daw magalit parents niya, eh one time na nag-away kami, hindi ko napigilan ang sarili ko, pinuntahan ko talaga sila sa kanila hanggang sa ayun nga nakilala ko na magulang niya. Ayaw niya nga nung, ayaw pa nga, ayaw pala ng magulang niya na nasa labas kami, pero siya natatakot na baka sabi, baka iba sabihin nang mama niya magalit sa amin. Naitindihan ko naman siya pero gusto ko talagang makilala magulang niya kahit na medyo kinakabahan ako, hanngang sa ayun nakilala ko na, nakilala ko na family niya, sina tita, sina tito, sina tito Ton-ton, si lola, mga pinsan niya sina Donna, sabi ko, “sa wakas cez nakilala ko na rin magulang niya” kahit parang minsan ayaw niya akong papuntahin doon, pero inisip ko pa rin, di ba nga mahal mo? kaya inintindi ko na lang, tiis-tiis na lang.

Pero sa totoo lang gusto ko yung ugali niya, tipong hindi siya ma, tipong magsasalita pag nagalit, alam mo yun? nakaka-miss yung ganun, bigla kang pipikonin. Dadaanin ka sa mga kung ano-ano tapos bandang huli lalambingin. Na-miss ko na rin yung mga araw na dalawa lang kami, nag-uusap, nagkukulitan, naglalaro, nagtatawanan. Pero sa isang araw sigurado ako imposibleng hindi kami mag-aaway, ganun pa man (someone cough) nagpapasalamat ako, kasi napasaakin ang tulad niya kahit minsan hindi ko na minsan gusto ang ugali niya pero okay lang bata pa kasi, pero siya yung batang, batang malawak ang isip, batang nakapagpabago sa akin. Kung tutuusin, ayaw ko na siyang mawala eh, dahil siya ang dahilan kung bakit, eto ganto, masarap pala ang magmahal, sa kanya ko natutunan yun, gusto ko palagi sana makasama ko na siya, kaso wala siya ngayon eh. Nami-miss ko na siya, sobra.

Nga pala eto ang masasabi ko para sa kanya, ahmm…ingat ka, ingat ka diyan palagi, miss na miss na kita sobra, mahal na mahal kita. Sana huwag kang bumitaw, ipaglaban natin kung ano man meron tayo ngayon. Kung mahal mo ako gagawin natin ‘to, hindi para lang sa akin para din sa iyo, hwag sana tayong susuko, hawak kamay lang kaya natin ‘to. Mahal na mahal kita, I love you so much more. Sana pag nakita mo ‘to, ma-realize mo na may naghihintay sa iyo, isang taong nagmamahal habang nabubuhay ka. Sana nga mapangasawa na talaga kita, kasi nga sobrang mahal na mahal kita. Kahit ano pang sabihin mo, wala akong paki-alam, kahit ayaw mo na hindi ako susuko, para sa iyo gagawin ko ang lahat. I love you Annshirl Reyes, taga --- I love you so much. Sana patuloy ka lang jan. Miss you na. I love you, bye. Seventeen.

MJL loves AOR

MJL loves AOR

Posted by addyict 05:54 Archived in Philippines Tagged love

Email this entryFacebookStumbleUpon

Table of contents

Be the first to comment on this entry.

This blog requires you to be a logged in member of Travellerspoint to place comments.

Enter your Travellerspoint login details below

( What's this? )

If you aren't a member of Travellerspoint yet, you can join for free.

Join Travellerspoint