A Travellerspoint blog

I feel so down. ='(

sunny 44 °C

Maghapon na akong ganito. Pinipilit kong maging okay pero hindi ko magawa. Sinamahan pa ng aking working environment, kasamahan sa work na masyadong foul ang email. Among hindi maka-tao. grabeee!!!

Pinipilit kong magpakatatag pero minsan pag hindi cooperative ang nasa paligid mo o ang panahon, no matter how strong and positive you are as a person, hindi mo rin pala kakayanin especially kung mag-isa ka lang.

Dumating ako kanina sa puntong gusto ko nang mag-resign, but then again napaisip ako, tama ba ang aking gagawin? Napapanahon ba? Pero dahil alam ko naman ang sagot, heto wala akong magawa kundi ang magtiis. Magtiis sa aking amo na ubod ng inconsiderate, magtiis sa aking ilang kasamahan na akala mo porke puti ang balat ay maka-asta kung sino. Magtiis sa lungkot na nararamdaman hindi lang dahil sa malayo sa pamilya o mahal sa buhay kundi dahil na rin sa takot sa aking pag-iisa.

Tanong ko na lang sa sarili ko, hanggang kelan ko dadanasin ang pagtitiis na eto? May kahinatnan ba ang mga sakripisyo kong eto?

Alam ko nasa akin pa rin ang control, nasa akin ang pagpapasya. Kaya hindi ko hahayaan na mabalewala ang pagtitiis kong eto.

Tungkol sa nararamdaman kong eto? Ahh, lilipas din eto. Baka mamaya lang wala na eto.

solo.jpg

Posted by addyict 04:16 Archived in Saudi Arabia

Email this entryFacebookStumbleUpon

Table of contents

Be the first to comment on this entry.

This blog requires you to be a logged in member of Travellerspoint to place comments.

Enter your Travellerspoint login details below

( What's this? )

If you aren't a member of Travellerspoint yet, you can join for free.

Join Travellerspoint