A Travellerspoint blog

my bff, Abs

happy birthday

rain 12 °C

ava4.jpg

Through the years despite the distance that we have, you never fail to get in touch with me, either thru social networking or text messages. Kasi alam ko naniniwala ka (tulad ko) na communication is the best thing friends could ever have, to preserve and to save it from drying completely. Kaya naman, thankful ako because I have the best girl friend who I consider like a sister a man could ever ask for.

Ilang taon na nga ba tayong naging magkaibigan? January 2008 nang magkakilala sa isang training para maging effective call center agents. February nang taon ding iyon nang maging close tayo kasama ang ilang kasamahan natin. Mahigit apat na taon na rin pala tayong naging magkaibigan. Marami na rin tayong mga "emo" moments and even more happy moments na pinagsamahan na sa tuwing maiisip ko ang mga yaon mangigiti na lang ako. These are the moments na masarap balik-balikan hanggang sa ating pagtanda.

Kaya naman sa araw na eto, bukod sa aking pagbati ng maligayang kaarawan ay hayaan mong pasalamatan din kita sa friendship na bingay mo sa akin. Salamat sa pagmamahal aking kaibigan. Nawa'y patuloy ka pa Niyang pagpalain at ibigay ang lahat magagandang naisin ng iyong puso.

ava6.jpg
Para sa iyo eto:

ano man ang dumating sa buhay natin
bagyo man eto o simpleng tag-ulan
ikaw aking kaibigan ang laging nandiyan
gumagabay at handang makinig sa aking hinaing
ako man ay ganun, makaka-asa kang nandito ako para sa iyo
ipaglalaban kahit kanino, saan man at kailan man, kaya naman
lalo ko pang pakaka-ingatan ang pagkakaibigan natin magpakailan man.

Happy birthday to world's greatest bff, Abs. I miss you and I love you sis. =)

abs.jpg

Posted by addyict 00:45 Archived in Philippines Tagged friends

Email this entryFacebookStumbleUpon

Table of contents

Be the first to comment on this entry.

This blog requires you to be a logged in member of Travellerspoint to place comments.

Enter your Travellerspoint login details below

( What's this? )

If you aren't a member of Travellerspoint yet, you can join for free.

Join Travellerspoint