A Travellerspoint blog

Buboy's Works of Art

June 13, 2011

Few months back, I asked my friend, Amber (a.k.a Buboy) if he could share some of his magnificent photos for my blog and without hesitation he gave some of his art work. I am so ashamed that even until now none of his photos were used. Anyhow, let me share those five (5) brilliant, majestic Amber's work of art.

tanglaw

tanglaw

sigh... life

sigh... life

dapit hapon

dapit hapon

locked

locked

lifeline

lifeline

Aren't they awesome?

click here to see more of Buboy's works of art (photostream)

I would like to take this opportunity to greet him a (belated) happy birthday last June 13, 2011. Thank you also for sharing your skills and talents in our recent photography workshop entitled "Drawing with Light 101".

Ilang taon ka na ba friendship? =)

Posted by addyict 04:28 Archived in Philippines Tagged nature Comments (2)

May 29

Samu't-sari sa buwan ng Mayo

sunny 43 °C

Matatapos na pala ng buwan ng Mayo. Napakabilis. Sa pinas, pasukan na at tag-ulan na. Dito naman sa gitnang silangan ay tag-init na. Minsan sa sobrang init ay hindi na ako nagla-lunch break. Ganun pa rin mataba. Ewan ko ba, epekto na rin siguro eto ng aking operation sa appendicitis. Tinamad na rin akong mag-tread mill pero i-try ko ulit maybe soon. =)

my_sisters_and_nieces.jpg
my_girls.jpg

Maraming nangyari ngayong buwan ng Mayo sa buhay ko, sa buhay namin. Last May 3, birthday ng nag-iisa kong kapatid na babae (Happy birthday sis A. We love you!) at ang mother's day noong May 8. Noong May 3 din ang aming first ever na team building sa aming package. Hindi kasing saya ng mga team building sa pinas na kung saan may participation bawat department at parlor games pero nag-enjoy naman kami sa food. Yun lang. =)

first team building

first team building

Dumaan ang ilang araw at linggo na regular lang sa akin. Work, camp, work camp lang. Oo nga pala, every Wednesday evening simula noong May 11 we go for a swim dito sa loob ng camp namin. We planned to do it every Wednesday para naman matanggal ang stress namin hindi lang sa work kundi ang pagiging homesick sa families namin.

pool during day time

pool during day time


pool at night

pool at night

Last weekend naman (May 26)ay naglipat ako ng bahay. Nakakaloka ang maglipat kasi sobrang hirap ang magbuhat. Mabuti na lang may mga mabubuting Samaritano ang tumulong sa akin. Kahit papaano ay hindi sumakit ang katawan ko sa pagbubuhat. Last weekend din nagpasukat na ako ng salamin. Thank God at hindi pa ganun kalala ang sira ng mga mata ko and I pray na mas bumuti pa eto.

addy.jpg
at pool with friends

at pool with friends

Matatawag mo na boring talaga dito sa gitnang silangan lalo na kung hindi ka kasapi o sasapi sa samahan o grupo na nagbubuo ng organisasyon na naglalayon na maibsan ang homesickness. Marami naman dito kaso lang minsan mas gusto ko sa flat or room na lang ako and watch my favorite shows sa TFC and GMA.

Dito naman sa work, ako ngayon ang PMT Secretary ng aming package bukod sa pagiging Business Admin Secretary ko. Nakabakasyon kasi ang original na PMT secretary at ako ang napili ng Sr. Project Manager namin na maging reliever niya.

Ngayon naman (May 29) ay tumawag ako sa pinas. Nakausap ko ang mga mahal ko sa buhay at ang aking BFF na si Abs. Natatawa ako sa bago niyang article (Moody me, dated May 26) sa pagsusungit niya. Typical na buntis talaga. Iloveyou sis. click here to read Moody me

my bff and sis

my bff and sis

May 29 na, dalawang araw na lang at tapos na ang buwan ng Mayo. Napakabilis ng panahon. Maganda para sa akin lalo na at malayo ka sa pamilya mo. Ibig sabihin malapit na ang bakasyon ko. Hello Hongkong and hello Philippines. You read it right dadaan muna ako sa HK with my family for four (4) days and to Philippines, my motherland. :)

Sis Abs, why don't you join us?

Phil_map.jpg

map_of_HK.jpg

Posted by addyict 06:31 Archived in Saudi Arabia Tagged and friends family Comments (2)

Fairytale

sunny

Prince_Wil..__2011_.jpg

Matatawag na rin sigurong swerte na naka-witnessed ako ng dalawang Royal weddings. Ang isa ay kasal nina Prince Charles and Princess Diana thirty years ago (July 20, 1981). Ngayon naman ay ang anak nila na si Prince William kay Miss Catherine Middleton na ngayon ay Duke and Duchess of Cambridge.

Magtataka ka siguro kung bakit isinama ko eto sa blog ko, simply lang, I'm always fascinated of fairy tale stories kaya nga madalas akong manood ng mga cartoon movies ng Disney. To name a few, Cinderella, Beauty and the Beast, and Snow White. At ang kagaya nina Prince Charles, Princess Diana, Prince William and Miss Kate at ang ilan pang mga Royal families ng England ay ang buhay na katotohanan ng fairy tales. Sila din ang nagpatunay na hindi totoo ang linya sa mga librong nababasa natin, maging sa mga cartoon movies na "and they live happily ever after". But of course I'm wishing all the best for the newly wed royal couple. Sa sobrang kagalakan ko, hindi lang maka-ilang beses kong pinanood ang kanilang kasal sa iba-ibang channels gaya ng BBC World News at Sky News. Binabasa ko din sila sa mga internet news.

Prince_Cha..na_1981.jpg

Ewan ko ba? Siguro dito ko na lang nailalabas ng frustrations ko sa maraming bagay dahil nga sa personality ko. Pero hindi pa rin naman ako nawawalan ng pag-asa. Malay mo dumating din talaga ang para sa akin. Maging princess man eto o prince. hahaha...bahala ka na kung ano nag gusto mong i-pair sa akin. :)

To Prince William and Princess Kate, congratulations and best wishes. God bless.

first_public_kiss.jpg

"Fairy tales can come true, it can happen to you, like magic..."

Posted by addyict 12:59 Archived in Saudi Arabia Comments (0)

Jollibee Ramaniyah

(part 2)

sunny

jollibee.jpg

Dear Jollibee Ramaniyah,

For three consecutive visits, you have completely satisfied me, although I must say service was a little bit slow (no more hustle movements from your crew) but tolerable. Sige na nakabawi ka na sa pambabastos sa akin ng isa ninyong staff (no need to mention his name). Sinubukan ko lang ulit bumalik kasi nga hinahanap ko ang iyong langhap sarap Jollibee na tanging sa iyo ko lang nararanasan. For these two visits, I highly commend "Myk" one of your managers. Nang magkulang ng macaroni soup ang order ko at nang mag request ako ng extra sauce and cheese for my spaghetti, he always assisted us with a smile. Syempre not to mention yung mga service crew na sina Ronald, Joms and Carl. Thanks to them as well.

I had an invitation from your Store Manager, Antonio Silverio to see him after that September 5 incident, but I opted to observe again and give your team another chance. So there you are, they're able to pull-up and yes not just me who visited you but I was with my good friend as well.

Kudos to you and to your team. I hope what happened to me will not happen to others but will experience your truly pinoy food and service.

Until next time.

Sincerely yours,

Addyict

(PS. I have enclosed my receipts as a proof that I visited you.)

JB_spaghetti.jpg

JB receipt Al Khobar (Mar. 24, 2011)

JB receipt Al Khobar (Mar. 24, 2011)

JB receipt Al Khobar (Apr. 5, 2011)

JB receipt Al Khobar (Apr. 5, 2011)

JB receipt Al Khobar (Apr. 7, 2011)

JB receipt Al Khobar (Apr. 7, 2011)

Posted by addyict 04:00 Archived in Saudi Arabia Comments (0)

Almost Over You

sunny

Matagal-tagal din akong nawala. I've been busy with my work and cleaning my two flats (ang isa sa city center of Al Khobar at ang isa naman ay dito sa aming Jubail camp), for almost a month now we've been experiencing lots of sandstorms which indicates na summer na ulit. Buti na lang kagabi at umulan kaya hayun lahat ng buhangin sa hangin, nawala.

almost_over_you.jpg

Anyway, kagabi ko pa kinakanta ang kantang "Almost Over You" ni Sheena Easton. Para akong nagka LSS (last song syndrome). Kasi naman talaga pinipilit ko nang patayin ang nararamdaman ko sa taong halos hindi naman ako pansinin nang magsabi ako ng totoo sa kanya. Akala ko noon una okay lang sa kanya na sabihin ko ang tunay kong nararamdaman pero mukhang nagkamali ako, kasi nang hulog na ang loob ko at nang masabi ko na ang totoo bigla na lang siyang parang naging aloof sa akin. Well sabi nga ni Alfred Lord Tennyson 'Tis better to have loved and lost than never to have loved at all." In my case naman, "it is better to have said and declined rather than not to say at all." hehehe... at least I have tried. Paano naman kung ang nangyari at kabaligtaran pala? Dahil hindi naman nag work out, fine. No big deal. My life moves on. =)

You read it right, I'm taking it lightly kahit ni-reject ako ng taong mahal ko. Hindi man niya sabihin sa akin directly pero hindi naman ako manhid or dumb not to feel na hindi niya ako gusto. Noong una naman kasi talagang may intention is to befriend him, pero ewan ko ba hearts never lie, kahit i-deny pa eto ng isipan mo pero ang puso hindi marunong magsinungaling. Mali man ang mahalin siya dahil sa aming katayuan pero anong magagawa ko, tao pa rin pala ako na marunong pa din magmaghal. Matagal-tagal na din akong loveless. Nag-focused kasi ako sa family ko at sa career ko, kaya naman masaya ako kasi dahil nakakatulong na ako sa pamilya ko and my career sails smoothly and I'm in control of it.

Mabalik tayo sa kanya, kagabi din ay kausap ko siya, at habang binibigkas niyang pilit ang linya sa Imortal na "Hindi sa tala sa langit kundi sa buwan nakasilip ibigay ang hiling ng matang nakapikit!", I really tried to search sa puso ko kung nandoon pa ba siya, kung may kilig factor pa ba? Pero wala na, wala na ang nararamdaman kong pagmamahal sa kanya. While we we're talking, wala na akong ibang nararamdaman pa na kakaiba. Kaya naman ang kagabing nararamdaman ko ay itutuloy ko until finally I'll get over him.

4U.jpg

ALMOST OVER YOU

I saw an old friend of ours today
she asked about you
I didn't quite know what to say
heard you've been making the rounds
'round here
while i've been trying to make tears disappear......

Now i'm almost over you
i've almost shook these blues
so when you come back around
after painting the town, you'll see
i'm almost over you........

You're such a sly one with your cold, cold heart
maybe leaving came easy
but it tore me apart
time heals all wounds, they say
and I should know
'cause it seems like forever
but i'm letting you go.....

Now i'm almost over you
i've almost shook these blues
so when you come back around
after painting the town, you'll see
i'm almost over you.....

I can forgive you and soon i'll forget
all those shattered dreams
although you've left me with nothing to show
full of misery....

Now i'm almost over you
i've almost shook these blues
so when you come back around
after painting the town, you'll see
i'm almost over you.......

Posted by addyict 01:29 Archived in Saudi Arabia Comments (0)

(Entries 11 - 15 of 44) « Page 1 2 [3] 4 5 6 7 8 9 »