A Travellerspoint blog

thank you Khulet =)

all seasons in one day 18 °C

Nagtagal din pala tayo. I never thought na aabot din tayo ng almost 4 years kasi with your looks alam ko maraming girls and other "individuals" na maghahabol sa iyo. Well true to it's sense, nangyari nga mga nangyari. Ilang beses mo din naman akong sinaktan pero ilang beses din naman kitang pinatawad. Ganun nga yata kasi ang pag-ibig, eto daw ay bulag (love is blind), love knows no bound o ginagawa ko lang etong excuses para hindi ako magmukhang tanga hindi lang sa ibang tao kundi lalo na sa sarili ko.

2khulet.jpg

Anyway, papa khulet thank you very much for the memories you have given me. Kahit sa sandaling panahon na yun you made me happy and I'm sure I did the same thing to you. Kahit minsan ay may tampuhan tayo kasi most of the time I caught you in the act. Masasakit yun ha! Pero ganun pa rin patuloy pa rin kitang minahal. Ewan ko kung anong meron ka, alam ko naman na there are better and good looking men than you pero sa iyo pa rin ako bumabagsak.

My friends says that I am smart, pero ewan ko ba pag dating sa iyo nawawala ang pagiging smart ko. Siguro dahil hindi utak ang ginagamit ko sa pagmamahal ko sa iyo kundi puso. Eh nagkataon naman na the love that I have in my heart was overflowing kaya sa iyo ko nabigay lahat. Mali ko lang siguro ay minahal kita ng todo kahit na alam kong eto'y panandalian lamang.

Papa khulet, thank you ulit. I guess this the best time that we have to let go of each other. I thought at first I can never find strength of letting you go. Kaya ko pala. It's good that I have only embraced your love and not hold it tight. I am now ready to free you with open up arms. May you find a place where your heart belongs and be happy.

Thank you papa khulet for the love you gave me. This feeling will forever live in my heart and will always make me happy until the day I die.

Iloveyou. Good bye! c")

khulet_2.jpg

Posted by addyict 04:32 Archived in Philippines Comments (2)

2010 na pala

all seasons in one day 14 °C

2010 na na pala, bilis ng panahon hindi ko napansin. Mas napansin ko pa ang pagnipis ng buhok ko which indicates "lola" na ako. huhuhu...hindi naman namin lahi. Eto siguro ang effect ng aking pinag-gagawa during my early days. Kulay ng buhok, hair straight at kung ano-ano pa. Plus the main factor is the "stress" that I have at work. Pero thank you sa new technology, in no time I will re-gain my hair back. :)

2010 na pala and I'd like my mom to retire from her tiring job in Italy. I would like her to enjoy her life with my sisters and brothers back home together with her grandchildren. Kasama syempre ang iba naming kapamilya o kapuso. :)

2010 na pala and it's high time to (double) work on my destiny and that is to get rich. Of course, I will share my wealth with my family, relatives, friends and those who are in need or less fortunate.

2010 na pala, then I don't need to be here where I am right now for another 10 years. Ayaw kong tumanda dito sa Magic Kingdom gaya ng nakikita ko sa mga mas nauna sa akin. I don't have anything against this place actually thankful pa nga ako somehow naabot ko ang ilang pangarap ko. I consider this place a second home and I will be forever grateful.

2010 na pala, salamat sa Kanya sa nakalipas na mga taon for all the blessings.

2010 na pala. :)

2010 baby boy

2010 baby boy

Posted by addyict 04:19 Archived in Saudi Arabia Comments (0)

I am back

sunny

Thanks to my sis Abs who serve as an inspiration to me, eto na ulit ako to start writing/sharing. I must admit malaking bagay din etong blogging ever to me. Magandang outlet of what you feel and somehow it helps other people to realized things lalo na if they are on the same predicament. Experiencing the same thing.

Anyhows, as I have said, I am back and I'll make it sure that this time I'll share something with you.

Cheers!

sis_Abs__Joco_and_I.jpg

Posted by addyict 23:59 Archived in Saudi Arabia Tagged living_abroad Comments (2)

He said, She said, They said & Addyict said

stupidong amo!

sunny 8 °C

(Just thought of sharing this email with you. This is with sender's consent. Names were changed to protect their persona. - Addyict)

Grabe talaga ang amo (RaRaKi) dito. Di ko malaman kung bakit galit na galit siya sa mga tsuper na kalahi naman niya. Palibhasa kasi nakakasagutan niya mga tsuper dahil na rin sa sama ng ugali niya. Ngayon sa akin ibinubunton ang galit. Laging galit sa akin. Ayaw niyang makita na may tsuper sa opisina ko . Ni-BANNED na nga namin ang lahat ng TSUPER, sinabihan na rin namin ang lahat ng mga bisor, kaso talagang pasaway din mga tsuper kamuka ng amo ko pasaway. Bigla nalang na bubulaga at eto na sa opisina, wala na akong magawa pa.

Eto kinausap na naman ako. Galit at namimilog ang mga mata! Baka sumbong na naman ang baklang mabahong di naliligong sipsip na ITIK! Ayaw daw nya na makita tsuper dito sa kwarto ko lalo na raw kung sila ay naka-upo pa sa upuan. Ako naman, palibhasa ay paalis na, di ako nagsalita at nag paliwanag. Di ko masabi na siya mismo ang magsabi sa kalahi niya at siya ang magtaboy sa sa kanila. Kahit na ang pinuno sa grupo namin ay di umubra sa mga tsuper, ako pa kaya? Ang tangi ko nalang nagawa ay alisin lahat ang mga (2) upuan sa aking kwarto gayung patungan ko lang naman ito ng sandamakmak kong trabahong-papel na may kinalaman sa mga byahe ng mga tsuper. Itinapon ko nalang sa labas ng gusali ang upuan ko! Tinira ko lang ang aking inuupuan. Kung sakaling makita niya na biglang may nakaupo na tsuper sa aking upuan, itatapon ko na rin ang aking upuan, tatayo nalang ako. He he heh…Kapag tinanong niya ako kung bakit wala akong upuan, sasabihin ko na may ilang pasaway na tsuper na bigla nalang dumadating ng walang abiso, tapos biglang mauupo sa akin upuan.

itik.jpg

Ang sama ng kanyang isip. Siguro palibhasa ay may gawain siyang masama at natatakot na gawin ng kanyang mga tao. Ganun pala ang gusto niya, dapat di niya ako inilagay sa posisyon ko at pinagkatiwalaan ng apat na taon na ang trabaho ko ay konektado sa apatnapo’t limang tsuper….wala talagang sentido komon. Kung di ito ang trabaho ko, wala siyang makikita na tsuper na kakausap sa akin, magpapa rebisa ng mga papel tungkol sa byahe, aibp….Di bale, ipinagpapasa Diyos ko na lang siya. Ang lahat naman ng bagay ang may katapusan, konti nalang naman ang ipag-titiis ko sa kanya…makakawala na ako…

Iba talaga ang turo sa ating mga pinoy. Kapag may bisita, iginagalang, pina-uupo, pinami-meryenda pa nga. Siya (amo) tinuturuan akong maging bastos! Ang di pa maganda ay maging bastos ako sa mga kalahi niya….

Pasensiya na sa abala ko. Bigla nalang kasing pumasaok sa isip ko na i-nobela ang naranasan ko sa kanya ngayong umaga. Salamat.

Nagmamahal na Kapuso at Kapamilya.

Don Romantico

=======================================

They said:

from Siu Chung Yiu 俊: "Ikakain na lang ntin yan mamaya….hayaan lang cla…maging kalma lang lagi hindi nmn tau sinasaktan. Iwasan ma highblood sa mga mokong tayo rin mapeperwisyo…"

from Mr. Suave: "Kool lang muna tayo. Pinasasabik ka lang dyan sa pag uwi mo. May demonyonita kasi katabi sa kanya kaya ganun sya."

Addiyict said,

Dear Don Romantico,

You only have 15days left and you’re about to go home. Pag-alis mo sa office mo, doon lang TIYAK na mare-realize nila ang value ng presence mo. And when that time comes, you can laugh out loud. Basta, continue to hold your temper, show them kindness and do your job at your best. And on your last day, you can give them a sign to fuck themselves but just don’t show it.

Just hang in there Don Romantico. Again you’re only 15 days and 6 hours 58 minutes and 18 seconds left away from home."

Posted by addyict 23:01 Archived in Saudi Arabia Tagged living_abroad Comments (2)

He said, She said, They said & Addyict said

Wrong Claim

sunny 8 °C

Mark.jpg

He said,

e2 ba talaga kapag first timer sa relationship? akala mo your in a good claim kasi sabi nga there's a chance between the words.., pero mali pala ako.., kasi yung chance that has granted is just somewhat "a promise without assurance".., napakasakit para sa akin ang ganun.., kaya ngayon parang takot na ako mag'consign ng love baka nman ma'derive lang yun sa biro..,!!! recently, di kona alam gagawin ko kung magpatuloy pa ba having a relationship with a right girl. ang hirap pala hanapin ang right girl..,

Mark

Addyict said,

Marky dear.

You don't have to find for the so-called "right girl". She will come to you in an unexpected time/day. Sometimes you also need to use your heart in order to see her.

For the time being, focus on your studies and enjoy your teenage days for it will come only once.

Cheers!

Posted by addyict 22:02 Archived in Philippines Comments (0)

(Entries 31 - 35 of 44) « Page .. 2 3 4 5 6 [7] 8 9 »