A Travellerspoint blog

addy(ict)

eh, sa eto ang gusto ko eh!

all seasons in one day 10 °C

me_and_my_BFGF_Ava.jpg

When my best friend girl friend (bfgf) Ava asked me to write comment(s) on her blogs, I was obliged to register myself with travellerspoint. At that time, I cannot think of a good name except putting "ict" in my nickname or petname (however you call it). It was also at that time people from call center where I used to work start reading, writing blogs of thier own. One of the most loved and read by all is Callboi. I admire his wit in writing just like my bfgf who I fondly called sistereth. And oh by the way, she's a good writer too! You may check thier blogs and find out yourself how good they are. Links are shown below.

Anyhows, I am literally addyicts (addicts) to sweets, food, food and food and not to mention los hombre. Well this is me, whether you like me or not it's all up to you now. But of course who wants enemy right?

One more thing, I know I'm not good in english, and my grammars are imperfect, so if you'll excuse me and it's my blog anyway. =)

www.ava.travellerspoint.com
www.solitarylass.blogspot.com
http://callcentercon.travellerspoint.com/

callboi.octet-stream

Posted by addyict 03:04 Archived in Saudi Arabia Comments (4)

Mga kababayan ko

Pinoy sa ME

sunny 14 °C

Nandito ako ngayon sa Gitnang Silangan (Middle East). Hindi eto ang una kong punta dito, actually nandito na ako since January 1994 at bumalik sa Pilipinas to work for at least 6 months as a Call Center Agent. Nag-apply muli ako and lucky enough I was hired. But today's story will be all about our kababayan dito sa Magic Kingdom (KSA).

I've noticed every time na pupunta ako sa most common areas na kung saan majority ng promenaders ay pinoy. Naloloka lang kasi ako dahil hindi ba nila alam (or they were just trying to be ignorant) na sensitive ang karamihan sa mga locals o katutubo (ang tawag sa mga Saudis). Sasabihin ko ang mga sumusunod:

1. Mga kababayan nating babae na sobrang kapal ng foundation at make up. Hello...kung maganda ka, hindi mo na kailangan yan. Hindi ko sinasabi na huwag maglagay ng make-up sa mukha para ma-enhance ang ganda mo pero sana naman ay yung tama lang, di ba sis Abs? Oo nga napapalingon sa iyo ang halos lahat ng kalalakihan eto ay hindi dahil sa ganda mo kundi mukha ka nang clown sa hitsura mo. Ang hindi mo alam, pag talikod mo, pinagtatawanan ka na nila.

2. Mga kalalakihan natin na nagso-shorts na above the knee at sando na kita ang mga tattoo (na chaka naman). Ano ba naman yan? Ok, granted na galing kang tennis game mo o kung saan man, pero alam naman nating lahat na we're not supposed to wear shorts above the knee, again for cultural reason. Pero hindi, kung sino pa yung mas nakakatanda at mukhang mas matagal na dito sa Saudi ay siya pa ang makikita mong naka-shorts na maikli. Hay. ewan!!!

3. Sa mga kalalakihan na may pusong Eba. Ilagay naman natin ang sarili natin sa tamang lugar. Kung sa Pilipinas ay super fit ka ng damit mo na halos kita na ang hugis ng iyong dibdib na akala mo ay may bayabas sa loob, please naman, for heaven's sake, respect naman sa mga katutubo at ibang lahi na nakakakita sa inyo. Tuloy nilalahat na lang ng mga ibang lahi na ang lahat ng pinoy ay bading. Totoo po yan! Itanong ninyo sa mga tunay na lalaki na kakilala ninyo na galing dito sa Saudi Arabia.

4. At higit sa lahat...naman, naman, at isang naman!!! Ang ghutra ay isang cultural dress na dapat natin respetuhin. Kung mati-tyempuhan kayo ng police motawa with your style...ewan ko lang kung san kayo pupulutin. Okay lang na gawin nating fashion accessory pero hindi during SUMMER SEASON at lalong huwag ipakita sa mga katutubo kasi offending.

NAMAN, NAMAN, NAMAN!!!

ghutra.jpg

Posted by addyict 22:24 Tagged living_abroad Comments (2)

HONESTY

(a Lonely Word)

sunny 14 °C

honesty.jpg

I always thought HONESTY will be given to those people who deserves it. Pero in my case lagi na lang ako naloloko lalo na nang taong mahal ko. I almost gave everything that I have but in return wala akong nakuha kundi puro sama ng loob.

Hindi na ako naghangad na ipagmalaki niya sa buong mundo. Ang tanging hangad ko lang ay ang i-respeto niya ako. Because I do belive that respect lies being HONEST (not to mention LOVE, LOYALTY, and other things or it could be other way around because these words compliment each other) to friends and people you love the most.

I am hoping that one day, makita nang tao mahal ko kung gaano ko siya kamahal and I hope that one day will never be too late.

:C

Posted by addyict 00:46 Tagged women Comments (2)

"BER" na naman... ")

a must read (daw)

14 °C

"BER" na naman. Makikita mo sa mga tao ang mga ngiti sa kanilang mga labi pag pumapasok ang ganitong mga buwan. Maririnig mo na ulit na kahit lumang Christmas carol music ay kaaya-ayang pakinggan, walang kupas ika nga. Magsisimula na ang mga ilang department stores at iba pang mga establishments na maglagay ng Christmas decors. At masasabi mo na “Hay, pasko na naman!”.

Alam ko, maraming beses na ninyong nabasa ang mga ganitong klaseng artikulo, pero gaya ng pasko, hindi nakakasawang isulat o basahin lalo pa at paparating na ang pasko. Ang iba ay nagsisimula nang mag-isip kung ano ang ibibigay na regalo sa kanilang mga mahal sa buhay. Ang iba naman, masakit man sabihin, ay napapa-buntong hininga na lang dahil nga sa kahirapan sa buhay ay marahil ay walang maibigay sa araw na yaon.

Ngunit ano man ang iyong ibigay na regalo. Mahal man yan o mura ay hindi mahalaga. Kahit na marahil ay wala, ang mahalaga ay ang spirit ng Christmas. At higit sa lahat huwag nating kalimutan kung bakit may pasko. Eto ay dahil walang iba kundi dahil kay Jesus Christ na ipinanganak sa araw na yaon (ayon sa ating mga ninuno). Kaya marapat lang na batiin natin siya ng “Maligayang Kaarawan sa iyo Panginoong Hesukristo”.

Ang tanong nagagawa mo ba? Kung “oo” eh di mabuti, kung hindi naman ay may pagkakataon kang gawin eto ngayon daratal na pasko.

“Maligayang Pasko sa inyong lahat.”

Yan ha, ako ang unang bumati sa inyo. “)

pasko_sa_pinas.jpg

Posted by addyict 10:42 Tagged preparation Comments (0)

(Entries 41 - 44 of 44) « Page .. 4 5 6 7 8 [9]