A Travellerspoint blog

Sa iyo aking kaibigan

This blog was created last June 17, 2014

97280DEC2219AC681781E415640AC46D.jpg

Ang bilis ng panahon ano? Parang kelan lang you were a college boy at nakilala kita through FS (pa noon). You entertained me kahit complete stranger ako sa iyo. Bakit nga ba? What was in your thought at inaccommodate mo ako kahit alam mong i'm different from social norms? Yung totoo? And then, nagkaroon tayo ng constant communication and I was able to help you in my own little way. Naging adviser at confidante mo ako at dahil doon nakilala kita ng husto kasama ang iyong familia. Naging saksi din ako sa mga hirap at pagsubok pinagdaanan mo hanggang sa kung nasaan ka man ngayon. Congratulations! =)

Naging mabuti tayong magkaibigan at kahit nagkaroon tayo mg miscommunication (which is pretty normal sa magkaibigan at yun din ay dahil sa iyo (laughs)). Nawala for a while at dahil sa FB heto ulit tayo.

But what's really funny is up until now hindi pa tayo nagkikita ng personal. Hindi dahil sa wala tayong panahon kundi pinag-adya na rin yata eto. Hindi pa man tayo nagkikita pa ng personal pero binigay ko na ang tiwala sa iyo ng buong-buo. I even gave to you my heart and in return nagkaroon ako ng totoong kaibigan sa katauhan mo (I hope).

Alam ko din ang una mong punta sa Manila, una mong work, una mong uwi buhat sa ilang buwan mong pagta-trabaho at una mong pagtulong sa iyong mahal sa buhay. Nasaksihan ko kung paano ka nag-improved from ugly duckling to a very gorgeous hunk. Kaya naman mapababae o ang iaktlong lahi ay siguradong naglalaway sila sa iyo. Lalo na siguro yung mga babae noon na crush mo tapos dedma ka lang siguro ay may pagsisi silang nararamdaman ngayon. ahahaha... I just hope you stay humble and kind especially with women. Kasi mas gwapo ang isang lalaki kung sasabayan eto ng isang magandang ugali.

Ngayon ay mag-aasawa na aking kaibigan. Hindi ko rin alam kung magkikita pa tayo pero hangad ko ang iyong kaligayahan at katuparan pa ng iyong mga pangarap sa buhay. Nawa kahit papaano ay sumagi ako sa iyong alaala at kahit wala na ako sa mundong eto masaya akong lilisan dahil nagkaroon ako ng isang kaibigang pangalan ay Brian.

Lord bless you my dear friend and I love you.

Bri_Ban.jpg

Posted by addyict 05:12 Archived in Philippines Tagged people friends family love Comments (0)

It's been a while =)

sunny

Hello there!!!! I wonder kung may magbabasa o nagbabasa pa ba ng blogs since vlogging is in and not to mention na sobrang dami na nang social media.

Anyways, matagal din akong nawala ano? When I checked my last entry, it was way back November 2012. Marami din naman kasi ang naging dahilan. Unang-una, hindi naman talaga ako blogger kundi ang best friend ko and and a sis na si Abby. Siya lang naman ang nag-convince sa akin magsulat. Yun nga lang, unlike any other bloggers, mine is of mix tagalog and english or "taglish".

Pangalawa, I was working with PS as call center agent, my very first BPO experience at uso or "in" eto noon. Huwag na nating bangitin pa ang taon. hahahaha... Left the country again after my short stint with PS and then when I came back to our motherland, nag-apply ako ulit in the same industry with Transcom and then finally CNX. Akala ko doon na ako magre-retire until one day ay may dumating sa akin na offer pabalik ng Magic Kingdom. Grabbed it, and then voila, I am back to my so-called second home (KSA) since I spent half of my life here. :)

Lastly, naging busy din ako with my family since lalo na nang mawalan nang work mother ko due to her age ay naging busy na kaming lahat sa aming buhay. :)

Well then, I am back. I cannot promise until when but somehow I will share with you trips that I have and will experience.

So, until next time!

back.PNG
photo credit to "oluseyi smiles"

Posted by addyict 23:22 Archived in Saudi Arabia Comments (0)

my bff, Abs

happy birthday

rain 12 °C

ava4.jpg

Through the years despite the distance that we have, you never fail to get in touch with me, either thru social networking or text messages. Kasi alam ko naniniwala ka (tulad ko) na communication is the best thing friends could ever have, to preserve and to save it from drying completely. Kaya naman, thankful ako because I have the best girl friend who I consider like a sister a man could ever ask for.

Ilang taon na nga ba tayong naging magkaibigan? January 2008 nang magkakilala sa isang training para maging effective call center agents. February nang taon ding iyon nang maging close tayo kasama ang ilang kasamahan natin. Mahigit apat na taon na rin pala tayong naging magkaibigan. Marami na rin tayong mga "emo" moments and even more happy moments na pinagsamahan na sa tuwing maiisip ko ang mga yaon mangigiti na lang ako. These are the moments na masarap balik-balikan hanggang sa ating pagtanda.

Kaya naman sa araw na eto, bukod sa aking pagbati ng maligayang kaarawan ay hayaan mong pasalamatan din kita sa friendship na bingay mo sa akin. Salamat sa pagmamahal aking kaibigan. Nawa'y patuloy ka pa Niyang pagpalain at ibigay ang lahat magagandang naisin ng iyong puso.

ava6.jpg
Para sa iyo eto:

ano man ang dumating sa buhay natin
bagyo man eto o simpleng tag-ulan
ikaw aking kaibigan ang laging nandiyan
gumagabay at handang makinig sa aking hinaing
ako man ay ganun, makaka-asa kang nandito ako para sa iyo
ipaglalaban kahit kanino, saan man at kailan man, kaya naman
lalo ko pang pakaka-ingatan ang pagkakaibigan natin magpakailan man.

Happy birthday to world's greatest bff, Abs. I miss you and I love you sis. =)

abs.jpg

Posted by addyict 00:45 Archived in Philippines Tagged friends Comments (0)

Nawa matapos na

rain 24 °C

Heto na naman ako, sa tuwing darating na lang ang ganitong petsa ay grabe ang depression ko. Pinipilit kong maging maayos, maging masaya pero nasa harap ko pa rin ang katotohanan na hirap pa rin ako sa sitwasyon ko ngayon.

Minsan mahirap din pala ang magpakita na malakas ka, na matapang ka, na okay lang ang lahat kasi minsan pag kailangan mo na nang tulong, nang masasandigan ay walang naniniwala sa iyo na kailangan mo. hayy, buhay nga naman. ='(

Pero alam ko maayos din naman ang lahat, sa tamang oras, sa tamang panahon and in His time. Sa ngayon, patuloy pa rin ako sa buhay ko, sa pagsusumikap, sa pakikipaglaban sa hamon nito. Umaasa ako na bago ko maipikit ko ang mga mata ko sa mundong ibabaw ay masasabi ko na nagtagumpay ako.

Praise_Him.jpg

Posted by addyict 05:24 Archived in Philippines Comments (0)

Maligayang kaarawan aking kaibigan

BJB

brian.jpg

Ilang taon na nga ba tayong naging mag-kaibigan? Nakakatuwa kasi kahit hindi pa tayo nagkikita ng personal ay naging tunay tayong magkaibigan. Nag-uusap tayo nang kung ano-anong mga bagay at nagsasabihan ng mga problema. Nagkaroon tayo ng hindi pagkaka-unawaan at dumating pa sa punto na nanahimik na lang tayo and moved on with our lives. Ilang taon din hindi tayo nag-usap? Isa, dalawa o tatlong taon ba? Matagal din ano?

Hanggang isang araw nag-message na lang ako sa isang social network. Nangumusta. Nag-alangan pa nga ako noon kasi baka hindi mo na kilala. Pero natuwa ako nang ma-reply ka at sinabi mong:

Hi addyict,so happy u added me back.been so long na gusto ko makausap ka.dba nagaway tayo dahil sa pinsan kung pinagselosan mo.actually -xxxxxxx din apelyedo niya. so happen this year ko lang din nalaman na xxxxx siya. pero saksi ang Dios at mawala sakin lahat kung di ako nagsasabi ng totoo, nasaktan ako dahil ininsulto mo ko dati. Hirap kaya nun kc naghahanap pako ng work that time. Tapus ayon parang pinapasadios ko na lang lahat.

Tsaka alam mo sa lahat ng natamo ko never kung kinalinmutan ikaw.
My time na napapaisip ako kamusta kana kaya? kasi malaki utang na loob ko sayo..sobra.hanggang hukay ko dadalhin yun.

From then on naka-685 exchange of messages na tayo. Trying to keep up doon sa mga na-missed nating nangyari with our lives. But you know what makes me happy the most? Ay yung nalaman ko na naging successful ka sa field na pinasok mo. At natutuwa ako na nakakatulong ka na rin sa inyo kahit papaano.

birthday012.gif

Congratulations nga pala on your promotion. One of the best birthday gift a person could ask for. Huwag kang mag-alala at kasunod nang promotion mo ay ang iyong wage increase. But first you need to prove them na deserving mo nga ang bago mong posisyon sa company ninyo. =)

This is your special day and I only wish nothing but the best for you. Huwag ka sanang magbago bilang isang anak, kapatid at kaibigan dahil napakabuti mo. Buhat sa aming lahat, salamat!

Maligayang kaarawan BJB.

bri.jpg

Posted by addyict 07:34 Archived in Philippines Comments (0)

(Entries 1 - 5 of 46) Page [1] 2 3 4 5 6 7 8 9 10 »